Alvarez: ‘KAPAL NG MUKHA’, Binanatan ang CBCP sa Pambabatikos nito sa Administrasyon
MANILA, Philippines – Pananabotahe raw sa administrasyong Duterte ang resulta ng survey kung saan bumagsak ang ratings ng pangulo.
‘Yan ang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa kanyang press conference kanina.
Kinuwestiyon niya ang resulta ng survey at nag-aalala na posibleng magamit pa raw ng ito ilang grupo para pabagsakin ang gobyerno.
Isa na umano rito ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
“Kasi tingnan mo iyong CBCP putak nang putak. May challenge pa sila, kapal ng mukha. Ayusin muna nila iyong mga pari nila na kung anu-anong ginagawang kabulastugan,” sabi ni Alvarez.
Matatandaang naglabas ng pahayag ang CBCP na magpapatuloy ang pagbaba ng ratings ni Duterte kung hindi niya babaguhin ang istilo ng kanyang pamumuno.
“It will continue to go down unless he shapes up, especially on issues of corruption, extra judicial killings, police impunity, and others,” sabi ni Father Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Committee on Public Affairs.
Tinawag pa ni Alvarez ang CBCP na makapal ang mukha at pumapatol sa mga menor de edad ang mga pari nito.
“Mga minor pinapatulan, ang dami nila may mga pedophiles, ayusin muna nila iyong hanay nila bago sila putak nang putak laban sa gobyerno,” dagdag pa niya.
Kailangan daw suriing mabuti ang mga tanong sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS). Bumaba kasi ng 18 points ang net satisfaction ng pangulo. Mula kasi sa +66 na “very good”, bumaba ito sa +48 na “good” rating na lang.
“Unang-una, ano ba iyong tanong. Pangalawa, saang areas ba siya bumaba? Tingnan natin kung wala bang slant ito, o hindi ba ito nagagamit para sabihin na bumaba ang tiwala kay President Duterte,” sabi ni Alvarez.
Para kay Alvarez, kahit pa bumaba ang satisfaction at trust ratings ng pangulo, mararamdaman pa rin daw ang pagmamahal ng taumbayan sa kanya.
Source: New5
Source: New5
Post a Comment