Header Ads

LUPIT NG MAUTE-ISIS Bihag, Ginahasa raw sa harap ng Ina; Lalaki, Pinatay naman sa Harap ng Asawa

VIDEO SOURCE HERE!

Ikinuwento ng ilan sa mga nasagip na bihag sa kaguluhan sa Marawi ang kalupitang dinanas nila sa kamay ng teroristang Maute-ISIS.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabi sa video na inilabas ng Presidential Communications Operations Office na isang ginang ang umiiyak na nagkuwento sa ginawang paghalay ng terorista sa kaniyang anak sa harap niya.
Ang ilang bihag, limang araw umanong hindi nakakain at nakainom ng tubig bago sila nailigtas.
Sinabi naman ng isang ginang na nasaksihan niya ang pagpatay sa kaniyang mister, at hindi pa niya nakikita ang bangkay nito.
Pinatay umano ng mga terorista ang kaniyang mister nang malaman na nagtrabaho ito sa proyekto ng gobyerno.
"Nalaman nila na diyan nagtrabaho sa construction pinatay nila," anang ginang.
Batay sa impormasyon ng PCOO, nasa 18 pang bihag ang hawak umano ang mga Maute-ISIS na nasa sentro ng bakbakan. -- FRJ, GMA News

Share this Video!

Visit and follow Us: Pangalawang Taon ni Duterte - Headlines

© To The Owner of This Video

No comments